TINGNAN: COVID-19 journey ni Michael V.

Nagulantang ang mundo ng showbiz nang pumutok ang balita na ang well-loved and respected comedian na si Michael V. ay tinamaan ng COVID-19.
Sa kanyang Bitoy Story vlog, isang malungkot na Bitoy ang napanood ng mga tao na humaharap sa isa sa pinakamatinding pagsubok ng kanyang buhay.
Sa kabila ng takot at pangamba sa kahihinatnan ng kanyang kalusugan, buong-puso ito hinarap ng Bubble Gang pioneer at sa tulong ng dasal at pagmamahal ng kanyang pamilya ay nalagpasan niya ito.
Balikan ang road to recovery ng seasoned Kapuso comedian sa gallery na ito!











