'TiktoClock' hosts, nagpasaya sa MassKara Festival

Nakigulo at nagpasaya ang hosts ng daytime variety show na TiktoClock na sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Jayson Gainza sa naganap na MassKara Festival sa Bacolod.
Tinaguriang City of Smiles, ipinagdiriwang ng Bacolod ang MassKara Festival bilang festival of smiles, na nagsimula noong 1980 matapos lumubog ang MV San Juan nang bumunggo ito sa isang oil tanker.
Dala ang saya at ligaya, ipinamalas nina Kuya Kim, Pokwang at Jayson kung bakit sila ang best performers para sa Festival of Smiles. Tingnan sa gallery na ito kung papaano nila napasaya ang mga taga-Bacolod:









