advertisement
Celebrity Life

TikTok creators na may milyon-milyong followers online

1 of 28

Zeinab Harake Parks 

Isa si Zeinab Harake Parks sa pinakasikat na content creators sa bansa. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 17.6 million followers sa TikTok at mayroon din siyang milyon-milyong followers sa iba pang social media platform.

2 of 28

Donnalyn Bartolome 

Kilalang-kilala rin online ang singer at content creator na si Donnalyn Bartolome. Mayroon siya ngayong 8.3 million followers sa TikTok.

3 of 28

Jelai Andres

Marami ang nakasubaybay sa life updates at mga content ng vlogger na si Jelai Andres. Bukod sa kaniyang solo vlogs, mapapanood din sa kaniyang social media accounts ang pakikipag-collab niya sa mga artista at iba pang content creators. Mayroon siyang halos 8 million followers ngayon sa TikTok.

advertisement
4 of 28

Ivana Alawi

Si Ivana Alawi ang isa sa most-followed content creators ngayon sa bansa. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 22 million ang kaniyang followers sa TikTok.

5 of 28

Arshie Larga 

Isa sa paboritong content creators ngayon ng mga Pinoy ay si Arshie Larga. Kilala siya sa kaniyang mga content tungkol sa iba't ibang medications at maging sa taos-puso niyang pagtulong sa mga taong kailangan ng gamot. Mayroon siya ngayong mahigit 4 million TikTok followers.

6 of 28

Sassa Gurl 

Kabilang si Sassa Gurl sa kinagigiliwan ng maraming netizens. Bukod sa pagba-vlog, napanood na rin siya sa ilang palabas at pelikula gaya ng Balota. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 8 million followers sa TikTok.

advertisement
7 of 28

Charuth

Paborito ng maraming netizens ang mga POV videos ni Charuth. Ang content creator na ito ay mayroon nang 3.4 million followers sa TikTok.

8 of 28

Petra Mahalimuyak 

Kinagigiliwan sa TikTok ang comedienne-actress na si Ashley Rivera. Una siyang nakilala sa social media bilang si Petra Mahalimuyak. Sa ngayon, mayroong 2.7 million followers si Ashley sa kaniyang TikTok account.

9 of 28

Mimiyuuuh 

Bukod sa pagpapasaya, nakikipagsabayan na rin sa fashion industry ang content creator na si Mimiyuuuh. Sa ngayon, mayroon na siyang 4 million followers sa TikTok.

advertisement
10 of 28

Cong Velasquez or Cong TV        

Si Cong Velasquez na kilala rin sa tawag na Cong TV ang isa sa mga content creators na unang minahal ng mga Pinoy. Si Cong ang leader ng grupong Team Payaman, na kilala sa iba't ibang nakaaaliw at makulit na content. Ang kanyang TikTok account ay mayroon nang mahigit 3 million followers.

11 of 28

Viy Cortez-Velasquez 

Nang makilala sa online world si Cong Velasquez, nakilala na rin dito ang kaniyang partner na si Viy Cortez-Velasquez. Sa kasalukuyan, aabot na sa 7 million ang followers niya sa TikTok.

12 of 28

Ser Geybin Capinpin

Tumatak at patuloy pang tumatatak sa viewers ang mga content ni Gavin Capinpin na mas kilala bilang si Ser Geybin. Mayroon na siyang 11.6 million followers sa TikTok at nadadagdagan pa ang mga manonood na nag-aabang sa kaniyang vlogs.

advertisement
13 of 28

Elma Asagra 

Kilala na rin sa social media ang girlfriend ni Ser Geybin na si Elma Asagra. Ngayon ay mayroon siyang 7.6 million followers sa video-sharing application na TikTok.

14 of 28

Allen Capinpin

Marami ring Pinoy viewers ang nakasubaybay sa pagba-vlog ng pangalawang kapatid ni Ser Geybin na si Chief Allen. Mayroon siya ngayong 2.3 million followers sa TikTok.

15 of 28

Kelzy Capinpin

Kasabay ng pagtutok ng netizens sa vlogs nina Ser Geybin at Chief Allen, nakaabang din ang marami sa mga content ng bunso nilang kapatid na si Capt. Kelzy. Mayroon nang 3.8 million followers si Kelzy sa TikTok.

advertisement
16 of 28

Kalo 

Si Kalo ay pinsan ng Capinpin Brothers at isa siya sa mga nagpapasaya ngayon sa maraming netizens. Mayroon na siyang 3.6 million followers sa kaniyang TikTok account.

17 of 28

Von Ordona      

Nakilala si Von Ordona sa pagpa-prank at lifestyle vlogs. Mayroon nang 8.3 million followers si Von sa TikTok.

18 of 28

Carlyn Ocampo 

Ang singer at showbiz personality na si Carlyn Ocampo ay kilala rin sa social media. Siya ang real-life partner ni Von Ordona at mayroon na silang dalawang anak. Sa kasalukuyan, may 12 million followers na siya sa TikTok.

advertisement
19 of 28

Davao Conyo 

Kilala si Philip Hernandez o Davao Conyo sa mga skit na talaga namang marami ang nakaka-relate. Makikita sa kaniyang TikTok account ang videos na humahakot ng napakaraming views. Ang kaniya namang followers dito malapit nang umabot sa 3 million.

20 of 28

Benedict Cua 

Si Benedict Cua ay kilala sa kaniyang mga relatable lifestyle content. Mapapanood ngayon sa kanyang videos ang cute bonding moments nila ng kaniyang adorable son na si Aleck. Mayroong 6.1 million followers ngayon si Ben sa TikTok.

21 of 28

KaMangyan Vlogs 

Nagsisilbing inspirasyon sa maraming netizens si Mercedes Lasac na mas kilala online bilang si Kamangyan Vlogs. Mapapanood sa kaniyang mga content ang mga kaganapan sa buhay nila sa probinsya at pati ang latest life updates niya ngayong mas naging maginhawa na ang kanilang pamumuhay dahil na rin sa pagiging content creator. Mayroon na siyang 11 million followers sa TikTok.

advertisement
22 of 28

Caprice Cayetano 

Nage-enjoy din sa paggawa ng content sa TikTok ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano. Mayroon na siyang mahigit 2 million followers sa video-sharing application.

23 of 28

Marco Masa 

Kahit bago pa pumasok sa Bahay Ni Kuya, marami nang fans si Marco Masa sa social media. Mayroon na siya ngayong mahigit 5 million followers sa TikTok.

24 of 28

Kris Bernal 

Busy man sa kaniyang acting projects, nakapaglalaan pa rin ng time ang Kapuso actress na si Kris Bernal para sa paggawa ng content. Sa kasalukuyan, mayroon nang 3.3 million followers si Kris sa TikTok.

advertisement
25 of 28

RC Silvestre 

Marami ang naaaliw sa funny at makulit na content ni RC Silvestre. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 2.1 million followers sa TikTok.

26 of 28

Teacher Shas 

Kilala rin sa TikTok ang kasintahan ni RC Silvestre na si Teacher Shas. Umabot na sa 4 million ang followers niya sa video-sharing application.

27 of 28

Jenny Yeo

Marami ring fans ang vlogger na si Jenny Yeo. Siya ay mayroon na ngayong adorable child sa kaniyang longtime partner na si RK Biol na isa ring content creator. Si Jenny ay may 1 million followers na sa TikTok.

advertisement
28 of 28

The Aguinaldos 

Isa sa talaga namang kinagigiliwan din online ay ang mother-son tandem na sina Nanay Leonida at anak niyang si Lester. Sa kasalukuyan, mayroon na silang 1.6 million followers sa TikTok.

Around GMA