TikTok, idinaos ang #ForYouPelikula Awards Night

Isang masayang gabi ang nasaksihan ng ilang TikTok content creators sa katatapos lamang na #ForYouPelikula Awards Night.
Ang naturang event ay idinaos sa pangunguna ng video-sharing platform na TikTok at media company na Viva.
Ginanap ito nito lamang November 28, 2023 sa isang movie theater sa Taguig.
Bukod sa awarding ceremony, nag-enjoy rin ang mga bisita at content creators sa ilan pang activities.
Silipin ang ilang naging kaganapan at kilalanin ang ilang dumalo sa event sa gallery na ito.







