TikTok, idinaos ang kauna-unahang 'Rising Philippines' event

Isang special event para sa local artists ang ginanap nito lamang Miyerkules ng gabi, February 28, 2024, sa Apotheka Manila, sa Makati.
Matagumpay na naidaos ng TikTok ang kauna-unahan nilang "Rising Philippines" event.
Sa unang parte ng program, isinagawa ang media conference kung saan humarap sa press ang iba't ibang Filipino artists at bands.
Ang mga itinampok dito ay ang music artists na content creators din na mayroong mga kanta na sumikat at humakot ng napakaraming views sa naturang video-sharing platform.
Kasunod ng media conference, idinaos naman ang concert, kung saan nag-perform ang mga naimbitahang local singers at music groups.
Silipin ang ilang highlights sa katatapos lang na event sa gallery sa ibaba.






