TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak

Ngayong may quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19, ilang celebrities ang nakatikim na manirahan sa probinsya.
Noong March 2020, nang magsimula ang ECQ o enhanced community quarantine, marami ang nagulat at hindi nakapaghanda sa paghihigpit sa pagbiyahe. Ilan sa mga artista tulad nina Glaiza de Castro, Willie Revillame, at Kris Aquino ang inabutan ng quarantine habang malayo sa kanilang tahanan sa siyudad.
Samantala, ilang personalidad naman tulad nina Gabby Concepcion, Mylene Dizon, at Bettina Carlos ang piniling mamalagi sa probinsya ngayong may pandemiya.
Ginusto man nila o hindi ang kanilang paninirahan sa labas ng siyudad, lahat sila ay sang-ayon na isang blessing ang pagkakaroon ng isang tahanan sa probinsya kung saan sariwa ang hangin, napapaligiran sila ng kalikasan, at mas malaya ang paggalaw.
Sulyapan ang buhay-probinsya ng ilang celebrities sa gallery na ito.
















