advertisement
Celebrity Life

Ang buhay single mom ni Trina Candaza

1 of 15

Trina Candaza

Kilala si Trina Candaza bilang model at vlogger na naging karelasyon ng aktor na si Carlo Aquino simula 2019.

2 of 15

Mithi

Ipinanganak ang kanilang anak na si Enola Mithi Aquino noong September 8, 2020.

3 of 15

Relasyon

Naging pribado sa relasyon sina Carlo at Trina noong umpisa. Ayon sa interview ni Trina sa vlog ni Ogie Diaz, "Nagkakilala kami noon sa event ko sa trabaho. Napadaan siya, tapos ayun, doon na nag-start. I knew he's single and ang alam ko ako lang 'yung nililigawan niya that time. Akin naman wala namang problema kung public o hindi as long as alam ng friends mo, family mo, at ng workmates mo. 'Yun lang naman ang importante sa akin. Kasi hindi naman ako artista para kailangan i-announce."

advertisement
4 of 15

Child birth

Kwento ni Trina, maayos ang lahat sa relasyon nila ni Carlo ngunit unti-unting nagbago nang magkaanak na sila. Aniya, "Iba pala 'pag nagkaroon na kayo ng anak."

5 of 15

Single moms

Inilahad din ni Trina ang napansin niyang nagiging isyu kadalasan sa mga single moms. "Ito napansin ko lang...kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila. Pero kapag sa mga single moms, nagtatrabaho kami, inaalagaan namin 'yung anak namin. Pero once na...may mali kaming magawa, masamang ina na kami."

6 of 15

Child support

Ayon kay Trina, parehi sila ni Carlo na nagsusustento kay Mithi. "Kay Carlo kasi, 'yung sustento niya, he can earn it in a day. Pero ako, 'yung pino-provide ko na half, ilang trabaho 'yung katapat para ma-provide ko 'yung one month."

advertisement
7 of 15

Breakup

December 2021 pa diumano naghiwalay sina Trina at Carlo ngunit pinili nilang gawing pribado muna ang kanilang hiwalayan. Nang tanungin ukol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay, sagot ni Trina, "It's a very easy question but knowing na pwedeng mapanood ni Mithi, I'd rather not answer the question directly...But I think everyone knows [why]."

8 of 15

Reasons

Dagdag ni Trina, "Siguro nung kahit noong kapapanganak ko pa lang kay Mithi, nag-start na. I tried naman na mag-stay nang ganun. Pero hindi mo rin masasabi 'yung emosyon mo, e. Mararamdaman mo talaga kung may pain. I tried naman pero hindi ko na kaya."

9 of 15

Openness

Bukas pa rin ang kalooban ni Trina na makipagusap kay Carlo kahit na hiwalay na sila.
"Kung gusto niya makipag usap privately, open ako. Sana bukas din ang isip niya. Sana intindihin niya rin ang situation kasi ako 'yung nasa bahay, ako 'yung kasama ni Mithi."

advertisement
10 of 15

Mithi

Bukas din si Trina na ipahiram kay Carlo ang kanilang anak na si Mithi. "Ang sa akin lang, kapag kukunin niya si Mithi, gusto ko, si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend 'yung time niya. Sa daughter niya, sa new girl niya, or sa friends niya. I think Mithi doesn't deserve na may kahati sa time."

11 of 15

Inspiration

Ayon kay Trina, naging inspirasyon niya ang anak na si Mithi para magpatuloy sa paghahanap buhay.

12 of 15

Mother's love

Pinili ni Trina na gawing pribado ang iba pang mga issue sa hiwalayan nila ni Carlo para protektahan si Mithi at huwag nang siraan ang dating partner na si Carlo.

advertisement
13 of 15

Positivity

Ayon kay Trina, pinipili niyang huwag kaawaan ang sarili o ang anak kahit na mahirap ang pagiging single mom. Aniya, "Dapat ikaw 'yung una-unang hindi maawa sa anak mo para hindi mo maramdaman 'yan."

14 of 15

Love

Nang tanungin kung meron pang pagmamahal sa puso ni Trina para kay Carlo, aminado ito na mahal pa rin niya ang aktor dahil ito ang ama ng kanilang anak. "Of course, meron pa. Kasi daddy siya ng anak ko."

15 of 15

Future

Nang tanungin kung meron pang pagmamahal sa puso ni Trina para kay Carlo, aminado ito na mahal pa rin niya ang aktor dahil ito ang ama ng kanilang anak. "Of course, meron pa. Kasi daddy siya ng anak ko."

advertisement

Around GMA