TINGNAN: Ang new normal sa 'Unang Hirit'

Mahigit dalawang dekada nang walang patid na nagbibigay ng Serbisyong Totoo ang Kapuso morning show na 'Unang Hirit.'
Pero, sa tagal na nila sa telebisyon, hindi maikakaila na wala pang hinarap na ganitong hamon ang mga host at production team ng show nang tumama sa bansa ang COVID-19 pandemic.
Tulad ng marami sa broadcast industry, kinailangan ding mag-adapt ng Unang Hirit sa mga pagbabago upang maprotektahan ang lahat ng kanilang staff laban sa banta ng coronavirus.
Silipin ang mga pagbabago sa morning show on and off camera mula sa Instagram posts nina Arnold Clavio, Suzi Abrera, Lyn Ching at Connie Sison sa gallery na ito.











