TINGNAN: Balik-Kapuso moments ni Rufa Mae Quinto

Opisyal nang pumirma sa Sparkle GMA Artist Center ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.
Matatandaang pansamantalang nanirahan si Rufa Mae sa Amerika, kasama ang asawa na si Trevor Magallanes at anak nilang si Athena, nang magsimula ang pandemya noong 2020.
Ngayong Abril, ibinahagi ni Rufa Mae na handa na siyang balikan ang buhay artista. Silipin ang mga balik-artista photos ni Rufa Mae sa gallery na ito:













