TINGNAN: Celebrities, vloggers na nadamay sa Zeinab Harake-Wilbert Tolentino issue

Mainit na usapan ng mga "marites" ang word war sa pagitan ng content creator na si Zeinab Harake at talent manager na si Wilbert Tolentino, na nag-ugat sa blind item ng una tungkol sa sa mga taong “mapagsamantala” at "manloloko."
Bagama't walang tinukoy na tao o grupo ang sikat na vlogger, pakiramdam ni Wilbert, na manager nina Herlene Budol at Madam Inutz, na siya ang pinatatamaan sa nabanggit ni Zeinab na 'mentor' sa pagvo-vlog.
Nauwi ito sa pag-expose ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab, kung saan makikita ang kontrobersyal na opinyon ng social media star sa ilang kapwa content creators at showbiz personalities.
Tingnan ang mga personalidad na nasangkot sa hindi pagkakaunawan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino sa gallery na ito:










