TINGNAN: Cherie Hills, naghahanap ng susunod na big star!

May magbabalik sa nakaraan ni Tatang Barak (Vic Sotto), at ito ay walang iba kundi ang ex-girlfriend niyang si Cherie Hills (Cherie Gil).
At on the hunt ito ng bagong talent para gawing artista!
Sino kaya kina Sir Lance, Chamyto, Gerry, at Stacy (Maine Mendoza) ang papasa sa mapanuring mata ni Miss Cherie?
Ito na rin kaya ang pagkakataon para ibalik nina Barak at Cherie ang dati nilang magandang relasyon o magiging hadlang si Aling Oprah.
Narito ang pasilip sa guest appearance ng multi-awarded TV-movie actress na si Cherie Gil sa 'Daddy's Gurl' ngayong May 8, pagkatapos ng '#MPK.'







