Dating child star na si Isabel "Lenlen" Frial, dalaga na!

Isa sa mga pinaka-cute na child stars noon ang 'Tropang Potchi' star na si Isabel Frial na nakilala sa pangalang "Lenlen."
Kinagiliwan si Isabel ng mga manonood dahil sa kanyang singkit na mata at matambok na pisngi. Bibang-biba rin ang dating child star pagdating sa pagpe-perform at pag-arte.
Bukod sa 'Tropang Potchi,' napanood din si Isabel, ngayo'y 16, sa GMA shows na 'Bantatay,' 'Futbolilits,' Alice Bungisngis and Her Wonder Walis,' 'Paroa: Ang Kwento ni Mariposa,' 'Legacy,' at iba pa.
Napanood din si Isabel bilang Gelay sa pelikulang 'Ang Panday 2' ng GMA Films, kung saan nakasama niya ang mga bigating artista tulad nina Bong Revilla, Eddie Garcia, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Alice Dixson, Philip Salvador, Iza Calzado, Lucy Torres, at Alden Richards.
Hanggang ngayon ay patuloy na lumalabas si Isabel sa telebisyon. Huli siyang natunghayan sa kinagiliwang GMA primetime series na 'First Yaya' kung saan gumanap siya bilang Lisa.
Tingnan ang transformation ni Isabel from child star to teen actress dito:













