TINGNAN: Kapuso stars, nagpasaya sa Kannawidan Festival 2023

Naghatid ng saya ang ilang Kapuso stars sa Kannawidan Festival 2023 sa Ilocos Sur.
Ipinagdiriwang ang Kannadiwan Festival bilang paggunita at pagpapahalaga sa mayamang kultura at mga tradisyon ng naturang probinsya. Nagtanghal ng iba't ibang performances para sa mga Ilocano ang GMA Regional TV sa pamamagitan ng Kapuso Festival na idinaos sa Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur, noong February 3.
Kabilang sa performers sina 'Tiktoclock' hosts Rabiya Mateo, Kim Atienza, Faith sa Silva; Bruce Roeland, Lianne Valentin, Martin del Rosario, at Ashley Ortega habang si Vaness del Moral naman ang nagsilbing host ng programa.
Silipin ang Kapuso Fiesta sa Kannawidan Festival 2023 sa exclusive gallery na ito:










