TINGNAN: Kris Bernal at Perry Choi, nag-ala Yoon Se-ri at Captain Ri sa Switzerland

GMA Logo kris bernal and perry choi in cloy film location in switzerland
krisbernal (IG)

Photo Inside Page


Photos

kris bernal and perry choi in cloy film location in switzerland



Dream come true para kay Kris Bernal ang makapunta sa isang film location ng sikat na South Korean series na 'Crash Landing On You.'

Hindi pinalagpas ni Kris at ng kanyang asawang si Perry Choi na mabisita ang Lake Brienz sa Switzerland habang nasa honeymoon.

Kwento ni Kris, wala sa orihinal na plano nila ang pumunta ng Switzerland. Pero dahil hindi na sila makakapunta ng London, dahil sa late arrival ng kanilang UK Visa, pinalit na lang nila sa kanilang Europe trip itinerary ang Switzerland.

Sulit naman ang naging desisyon ng bagong mag-asawa dahil natupad ni Kris ang kanyang pangarap na makapagpakuha ng litrato sa Lake Brienz, isa sa mga iconic film location ng hit K-drama, na matatagpuan sa Swiss village at municipality na Iseltwald.

Ito ang parehong lawa kung saan kinunan ang eksena ni Captain Ri Jeong-hyeok (Hyun Bin) na nagpapatugtog ng piyano at cruising scene ni Yoon Se-ri (Son Ye-jin) sa 'Crash Landing on You.'

Ani Kris, tatlong beses silang pumila ng kanyang mister para makapag-picture dito at worth it naman ang kanilang experience dahil sa magandang tanawin doon.

Tingnan ang kanilang larawan sa Lake Brienz:


Kris Bernal and Perry Choi
CLOY
Pose
Scenery
Sunbathing
Lake Brienz
Honeymoon

Around GMA

Around GMA

PH athletes, officials raise concerns over alleged irregularities at 2025 SEA Games
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity