TINGNAN: Mga eksena sa 'Pinutulan' episode ng bagong 'Wish Ko Lang'

Kakaiba at kontrobersyal ang "Pinutulan" episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado. Tungkol ito sa isang lalaki na pinutulan ng ari ng kanyang misis matapos madiskubre ang kanyang pangangaliwa.
Kasama sa nasabing episode sina Lotlot de Leon, Ahron Villena, Jeremy Sabido, Janna Dominguez, Claire Castro, Faye Lorenzo, at Arny Ross.
Alamin ang kani-kanilang mga role at silipin sa photo gallery na ito ang mga eksena sa "Pinutulan" episode na mapapanood ngayong Sabado sa bagong 'Wish Ko Lang,' alas-4 ng hapon sa GMA-7.















