TINGNAN: Mga kilalang personalidad na nakaranas ng aneurysm

GMA Logo Mga kilalang personalidad na nakaranas ng aneurysm

Photo Inside Page


Photos

Mga kilalang personalidad na nakaranas ng aneurysm



Usap-usapan ngayon sa social media ang sakit na aneurysm dahil naiuugnay ito sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon sa mga report, natagpuang patay ang 23-anyos na flight attendant sa loob ng isang hotel room sa Makati noong January 1.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil para sa '24 Oras,' agad na itinakbo sa ospital si Dacera ngunit idineklarang "dead on arrival" na siya dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Bukod pa rito, tinintingnan din ng Makati police ang anggulong "foul play" kaugnay sa pagkamatay ng dalaga mula sa General Santos City.

Sa Twitter nitong Martes, January 5, maraming netizen ang humihiling ng autopsy para malaman kung posibleng aneurysm ang ikinamatay ni Dacera.

Ano nga ba ang aneurysm?

Ayon sa Pinoy MD, ang anuerysm ay ang pagkakaroon ng "bulge" o pag-umbok ng blood vessels natin sa katawan, partikular na sa utak, dahil sa lakas ng daloy ng dugo. Ito ay maituturing na delikado at maging sanhi ng pagkamatay kung hindi maagapan at tuluyang pumutok.


Isa sa mga kilalang personalidad na nakaranas nito ay ang Hollywood star na si Emilia Clarke, na dalawang beses nakaligtas sa aneurysm.

Sa kanyang essay na "Battle for My Life" noong 2019, inilahad ni Clarke ang kanyang pinagdaanang aneurysm habang ginagawa ang popular na HBO series, ang Game of Thrones, noong 2011 at 2014.


Ani Clarke, "Just when all my childhood dreams seemed to have come true, I nearly lost my mind and then my life."

Ikinuwento rin niya sa naturang essay ang brain surgeries na piangdaanan at ang pagdanas niya ng aphasia, or hirap sa pagsasalita.

Aniya, "Going through this experience for the second time, all hope receded... I do remember being convinced that I wasn't going to live."

Isa lamang si Clarke sa mga kilalang personalidad na nakaranas ng aneurysm, ang iba, sa kasamaang-palad ang pumanaw dahil dito.

Narito ang ilang kilalang personalidad sa Pilipinas na nakaranas o nasawi dahil sa aneurysm.


Julio Diaz
Strong Support
Andrea Calleja
Keep the faith
Isabel Granda
Brain hemorrhage
Rolly Quizon
Comatose
Lucio Tan
Collapse
Ely Capacio
Stroke
Tristan Huertas of Milo & Friends
Failed surgery
Bruce Rivera
Jovit Baldivino
Blood clot

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ