TINGNAN: Mga lalaking nagpakilig kay Stacy!

Bukod sa all-out na tawanan na hatid nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza sa 'Daddy's Gurl,' maraming beses na ring nagbigay-kilig ang Saturday night sitcom.
Tampok diyan ang ilan sa hottest and most-sought after leading men sa show business na naging guest sa hit Kapuso comedy program.
Isa ba kayo sa boto kay Anton, na ginampanan ni 'Running Man PH' star Ruru Madrid, para kay Stacy; o gusto n'yo bang magkabalikan sila ni Yasser?
Ating balikan ang mga heartthrob na nagpakilig at nagpatawa kay Stacy sa 'Daddy's Gurl' sa gallery na ito.











