'Mga Lihim ni Urduja' creative fan arts, pinusuan ng netizens

Malapit na nating mapanood ang mythical primetime mega serye ng taon!
Bumuhos ang suporta ng fans para sa upcoming mythical primetime mega serye ng taon, ang 'Mga Lihim ni Urduja,' na magsisimula sa Lunes, February 27, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
Samot-saring gimik ang ginawa ng supporters matapos ilabas ng GMA Network ang teaser at launch posters ng naturang programa, kung saan tampok ang costumes at looks ng mga bida nitong sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Sa social media, ipinamalas ng fans ang kanilang husay pagdating sa pagdidisenyo at photo editing sa pamamagitan ng paggawa ng kanilang bersyon ng posters, banners, at maging ng Facebook profile picture frame.
Silipin ang kanilang napakagandang creative fan arts sa gallery na ito:









