TINGNAN: 'The Boobay and Tekla Show,' balik-taping na!

Your favorite Sunday night habit is back, mga Kapuso! May fresh episodes na ang 'The Boobay and Tekla Show' (TBATS) na dapat n'yong abangan!
Nitong Marso, pansamantalang natigil ang taping at regular TV programming dahil sa COVID-19 crisis. Sa kabila nito, hindi nawala sa ere ang TBATS at patuloy na naghatid na kulitan at katatawanan ang fun-tastic duo.
Ngayong September, may bagong laugh trip na handog sina Boobay at Tekla dahil nakabalik na sila sa studio para mag-taping!
Anu-ano kaya ang eksena sa muling pagsasama ng fun-tastic duo? Paano nga ba ang new normal sa kanilang taping?
Silipin ang unang araw ng pagbabalik-taping ng TBATS dito!









