Tita, anak-anakan, at asawa, love triangle sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang kakaibang love triangle ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "I Love You, Tita," ang episode na ito ay kuwento ng isang biyuda na mahuhulog ang loob sa asawa ng kanyang anak-anakan.
Nang mabiyuda ang dentistang si Doc Jane, si Jay na asawa na anak-anakan niyang si Lanie ang naging hugutan niya ng lakas.
Kasabay ng paglalim ng ugnayan nina Doc Jane at Jay, lumalabo at nasisira naman ang relasyon ng huli sa asawa niyang si Lanie.
Tuluyan nga bang masisira ang pamilya nina Doc Jane, Jay, at Lanie?
Abangan ang brand-new episode na "I Love You, Tita," July 19, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang programa sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






