News
Tom Rodriguez's remarkable roles in teledramas

Hindi maitatanggi na isa si Tom Rodriguez sa mga pinakamahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon.
Mula sa tumatak niyang gay role bilang Vincent sa groundbreaking series na My Husband's Lover noong 2013 hanggang sa pagiging villain ngayon sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, iba't ibang karakter na ang nagampanan ni Tom sa Kapuso Network—patunay sa kanyang pagiging versatile actor.
Noong Marso, inanunsyo na rin ang bago niyang show, ang upcoming political thriller series na Whispers From Heaven, kung saan makakasama niya ang award-winning actress na si Bea Alonzo.
Balikan ang ilan sa remarkable roles ni Tom Rdoriguez sa GMA Network sa gallery na ito:








