Tonton Soriano, bati na kay MC: 'Si Ate MC na 'yung naging kapatid ko'

Puno ng tawanan at inspirasyon ang naging panayam ng comedians na sina Tonton Soriano at Iyah Mina sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (June 5).
Sa masayang kwentuhan, binalikan ng dalawa ang kanilang mahabang pagkakaibigan at ang mga alaala kasama ang kanilang grupo na kinabibilangan ng Unkabogable Star Vice Ganda.
Ngunit hindi lang tawanan ang umiral sa panayam. Isa sa mga mainit na usapin na tinalakay ay ang naging tampuhan nina Tonton at It's Showtime host na si MC.
Binigyang-linaw rin ni Tonton ang tungkol sa viral video niya noong 2020 kung saan nagkagulatan sila ni MC.
Balikan ang buong panayam nina Tonton Soriano at Iyah Mina sa gallery na ito:









