Tony Labrusca, pinangalanan ang Kapuso actress na gusto niyang makatrabaho

GMA Logo Tony Labrusca

Photo Inside Page


Photos

Tony Labrusca



Bumisita ang aktor na si Tony Labrusca sa daily afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda.


Napagkuwentuhan nila ng host na si Boy Abunda kung paano naging bahagi ng isang proyekto sa GMA ang Kapamilya aktor.

"Gusto ko talaga makatrabaho si Herlene [Budol]. 'Yung ganitong show, matagal nang alam ni Lord na gusto ko ng ganitong role. Yes, I prayed for this. Hindi ko lang in-expect na sa GMA ko pala siya gagawin," kuwento ni Tony.

Sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibing Marikit, gaganap siya bilang Drew, tour guide sa isang resort.

Isa siya sa dalawang leading men ni Herlene sa serye.

"First time ko siya makatrabaho at makilala pero ewan ko, may something sa energy niya na feeling ko masaya siya kasama, totoo siyang tao. And ngayon, masasabi ko, she's exactly the way I imagined in my head," paglalarawan ni Tony sa aktres.

Nagbigay rin si Tony ng isa pang Kapuso actress na nais niyang makatrabaho in the future.

"At the top of my mind, Sanya Lopez," lahad niya.

Alamin ang iba pang mga bagay na ibinahagi niya sa Fast Talk with Boy Abunda dito.


Tony Labrusca
Perspective
Sexy image
Herlene Budol
Sanya Lopez
Family
Binibining Marikit

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection