TRIVIA: Celebrities na nagtrabaho sa fast food restaurant

Alam n'yo ba na maraming celebrities ang dating nagtrabaho bilang isang waiter o service crew sa isang fast-food company?
Isa na rito ang award-winning radio and TV broadcaster na si Arnold Clavio, na minsang nagtrabaho bilang waiter para matustusan ang kaniyang pag-aaral noon sa kolehiyo.
Naranasan din magtrabaho ng aktor na si Marvin Agustin bilang isang waiter sa isang restaurant at maging mascot para sa isang pizza parlor.
Sa panayam sa kaniya noon sinabi niya, “Bago ako naging artista I was already in the food industry. I was working in Tia Maria's as a waiter, janitor, bartender, and even sa kusina. But even before that I was a mascot in Shakey's. So exposed na talaga ako sa food industry. And both my sisters, yung middle namin and 'yung eldest, 'yung isa sa Shakey's kaya nauuto niya ako mag-mascot tapos 'yung isa naman sa Dunkin' Donuts. So lahat kami nun nagtatrabaho sa food industry.”
Heto pa ang ilang sikat na personalidad sa local entertainment scene na proud nagsilbi bilang waiter at service crew.





















