advertisement
Celebrity Life

TRIVIA: Celebrities na nagtrabaho sa fast food restaurant

1 of 24

Arnold Clavio

Hindi malilimutan ng award-winning TV and radio personality na si Arnold Clavio ang experience niya na maging working student habang nag-aaral sa University of Santo Tomas noong '80s.

2 of 24

 Arnold's all-around job 

Sa Instagram post ni Igan, umabot din daw siya ng mahigit isang taon sa pagta-trabaho bilang waiter sa Kentucky Fried Chicken na matatagpuan sa Roxas Boulevard.

Pagbabalik-tanaw niya, “Yes mga 'iGan , halos isang taong mahigit ako na nagsilbing waiter, busboy at cook sa Kentucky Fried Chicken Roxas Boulevard branch noong 1985-1987 , kaya ganon na lang ang respeto ko sa kanila hanggang ngayon. Malaki ang naitulong sa akin bilang working student para nakapagtapos ako sa University of Sto. Tomas . Nahubog din ako paano makikitungo sa kapwa anuman ang antas niya sa buhay.”

3 of 24

Marvin Agustin

Bukod sa successful na showbiz career ni Marvin Agustin, kilala na rin ngayon ang aktor bilang negosyante. Ilan sa mga kilalang restaurant ni Marvin ay ang Sumo Sam, John and Yoko, Cafe Ten Titas, at Secret Kitchen. Kumuha ng kurso ng culinary si Marvin sa International School for Culinary Arts and Hotel Management.

advertisement
4 of 24

Marvin as mascot

Bago ang tinatamasang tagumpay, naranasan din ni Marvin ang maging waiter, janitor, bartender, at nagpasaya ng mga bata bilang mascot noon.

5 of 24

Ronnie Liang

Inspirasyon para sa marami ang dating 'Pinoy Pop Superstar' contestant na si Ronnie Liang. Hindi lamang siya isang licensed pilot, kundi may rango na rin siya bilang first lieutenant Philippine Army reservist. Bukod dito, nakapagtapos na rin ang OPM singer ng kaniyang master's degree sa Philippine Christian University (PCU) noong 2022. Pero laki sa hirap ang 'Ngiti' hit maker noong kabataan niya.

6 of 24

Ronnie as working student

Sa Instagram post, ibinahagi ni Ronnie na isa siyang working student at mninsang nagtrabago sa isang sikat na fast-food chain. Sabi niya sa caption, “These photos were taken in college when I was still a working student. To finish college, I had 5 to 7 jobs to support my studies.”

advertisement
7 of 24

John Feir

Isa sa mga well-loved comedian sa Kapuso Network si John Feir, na mahusay na gumaganap bilang Patrick na best friend ng bida milyonaryo na si Pepito (played by Michael V.) sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento'.

8 of 24

John's experience

Pero, alam n'yo ba na si Patrick, na paborito ang hotdog, ay nagtrabaho noon sa isang fast-food chain na kilala sa kanilang fried chicken. Sa Instagram post ni John noong May 2021, ipinasilip niya ang group photo niya kasama ang mga katrabaho noon sa McDonald's branch sa Las Piñas.

9 of 24

Gloc-9  

Haligi ng Pinoy rap music kung ituring ng kaniyang fans si Gloc-9 o Aristotle Pollisco in real-life. Hindi na mabilang ang mga pinasikat niyang kanta tulad ng: “Simpleng Tao”, “Hari ng Tondo”, at “Sirena”. Dagdag pa rito ang kaniyang sold-out shows.

advertisement
10 of 24

Gloc's experience

Sa mga hindi nakakaalam, bago siya gumawa ng ingay sa local music industry, dating nagtrabaho rin si Gloc-9 bilang service crew ng bakery franchise na French Baker sa Sta. Lucia Mall noong '90s.

11 of 24

Coco Martin

Nagbanat din ng buto ang aktor na si Coco Martin bilang waiter sa isang sikat na homegrown restaurant dito sa Pilipinas.

12 of 24

Coco's experience

Sa mga panayam niya noon, ikinuwento ni Coco ang hirap at pagod na naranasan niya bilang waiter sa Max's Restaurant.

advertisement
13 of 24

Jericho Rosales

Inukit ni Jericho Rosales ang pangalan niya sa kasaysayan ng 'Eat Bulaga” nang manalo sa talent-search nila noon na 'Mr. Pogi' (1996). Ika nga nila, the rest is history. At ngayon si Echo ay isa sa mga pinakatanyag na leading man sa show business hanggang ngayon.

14 of 24

Jericho's experience

Bago siya naging isang award-winning aktor, nagtrabaho si Jericho bilang service crew sa pizza chain na Greenwich .

15 of 24

 Carlos Morales

Sinong mag-aakala na ang hunk actor na si Carlos Morales, na dating napanood sa Kapuso series na 'Luna Blanca,' ay mararanasan ding mag-trabaho bilang isang crew ng fast food restaurant sa Amerika. Ito ang ikinuwento mismo ni Carlos Morales sa panayam niya sa PEP.ph.

advertisement
16 of 24

Nurse Carlos

Ayon sa dating aktor, na ngayon ay isang registered nurse na sa U.S., habang hinihintay maaprubahan ang application niya para sa National Council Licensure Examination (NCLEX), nagtrabaho muna siya bilang isang hamburger flipper sa McDonalds.

Aniya, “When I started applying for my NCLEX application and I know it's going to take six months the least, I decided to work for the meantime, and the fastest way is to apply at McDonald's. That was the hardest job I've ever had in my life so I really salute the fastfood restaurants crew."

17 of 24

Tony Labrusca

Alam n'yo ba na bago nakilala si Tony Labrusca bilang TV actor at model ay naranasan din nito na magtrabahao para sa isang fast food restaurant.

18 of 24

Tony's work

Nakakatuwang isipin na noon, nagfi-flip ng burger si Tony sa isang McDonald's branch sa Canada, pero nang mag-balikbayan ay bumida sa isang TV commercial ng McDo sa Pilipinas.

advertisement
19 of 24

Richard Gomez as a waiter

Bankable leading man Richard Gomez also learned a lot from working as a fast-food crew. In fact, his late manager Douglas Quijano discovered him at the fast-food chain while he was serving burgers and fries.

The beloved star maker Douglas passed away in June 2009 at age 64.

20 of 24

Richard Gomez now

Richard is currently taking a break from his showbiz career and is the incumbent congressman of Leyte's 4th district.

21 of 24

Isabelle Daza

Mapapa-'wow' ang sino man kapag narinig ang kuwento ng actress at 'It Mom' na si Isabelle Daza na naranasan din niyang magtrabaho sa isang fastfood chain noon.

advertisement
22 of 24

Isabelle crew

Sa isang panayam niya kay Unkabogable Star Vice Ganda noong 2015, nagkuwento si Isabelle na naranasan niya maging crew ng isang fast food chain nang maisipan niyang mag-summer job.

Kuwento niya kay Meme Vice, “Super love ko 'yung fast food. Tapos sabi ko, sige nga I'll take a summer job kasi wala naman ako ginagawa. So, one time nag-training kami 'di ba? Sobrang hirap, as in sobrang pagod.

"If you think our work is hard, you have to try their work. Eight hours kang nakatayo tapos lahat ng mga customer lagi nagmamadali tapos meron sila pagka-rude.”

23 of 24

ALAMAT

Naka-chikahan ng filmmakers na sina Antoinette Jadaone at JP Habac ang members ng P-pop group na ALAMAT sa 'Ang Walang Kwentang Podcast.' Dito, napag-usapan ang trabaho ng grupo bago maging P-pop idols.

24 of 24

Taneo

Ayon sa ALAMAT member na si Taneo, nag-trabaho siya noon sa isang fast-food chain bilang service crew. Kuwent niya, “Pinaka first ko fast [food], I can't mention the name pero fast-food restaurant.Pati stock sa likod (ng fast-food restaurant). 'Tapos, sales rep pero clothing brand siya. 'Tapos, college I did student internships [on] accounting and marketing.”

advertisement

Around GMA