Bagay ba ang magkaibigang sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa isa't isa? Bukod sa kanila, kilalanin pa ang mga artistang matagal nang magkakaibigan sa gallery na ito.
Sabay na naging child stars sina Camille Prats at Angelica Panganiban kaya nakakatuwang magkaibigan pa rin sila ngayon.
Close din si Angelica sa kapatid ni Camille na si John Prats na kasalukuyan niyang katrabaho.
Nag-ninang pa si Angelica para sa first baby ni John at ng asawa niyang si Isabel Oli.
Nagsimula sina Judy Ann Santos ang Gladys Reyes bilang magkaaway sa isang sikat na teleserye noong 90s.
Busy man sila ngayon sa kanilang mga pamilya at trabaho, sinusubukan pa rin nina Juday at Gladys na magkita.
Parehong nagsimula sina Rita Avila at Jean Garcia sa That's Entertainment. Narito sila kasama ang asawa ni Rita na si direk Erick Reyes.
Ilang dekada na ang nakalipas pero in touch pa rin sina Rita at Jean. Dumalo pa si Rita sa opening ng restaurant ni Jean para magpakita ng suporta sa kaibigan.
Marami na rin ang pinagdaanan ng mga komedyanteng sina Michael V at Ogie Alcasid na mga pioneer ng longest-running Philippine comedy show na Bubble Gang.
Nilisan na ni Ogie ang Bubble Gang, ngunit aktibo pa rin siya sa basketball team nito para makasama sina Bitoy at iba pang miyembro ng cast tulad nina Wendell Ramos at Antonio Aquitania.
Co-stars sa musical comedy hit na DoReMi sina Donna Cruz, Regine Velasquez, at Mikee Cojuangco.
Salamat sa socia media, madalas pa rin nakakapag-usap ang tatlo.
Isa si Eric Quizon sa naging susi para sa magkaroon ng kontrata si Giselle 'G' Toengi sa Regal Films na siya namang simula ng kanyang pagsikat noong 90s.
Based na sa Amerika si G pero hindi kinakaligtaan ng kanyang mentor na si Eric na bumisita sa kanya kapag may oras siya.