TRIVIA: Fun facts about Kapuso actor Mikael Daez

Mahigit isang dekada nang proud Kapuso si Mikael Daez.
Ayon sa aktor, sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng GMA na nagbigay pagkakataon sa kanya para mas makilala at mahubog pa ang sarili.
"Buong buhay ko is centered on GMA especially for the last 11 years. So para sa akin na pwedeng ipagpatuloy lang 'to with the family I first formed in this industry malaking bagay talaga para sa akin," pagbabahagi ng aktor sa press interview noong August 26.
"They trusted me to go into heavy drama, they trusted me to go into sitcoms, into 'Bubble Gang.' They trusted me to start hosting and doing events for them. So as an actor and just as a professional, as a talent, ang laking bagay na iba't ibang projects 'yung nabigay sa akin because it allowed me to grow and explore different parts of myself," sabi niya.
Ngayong 2022, kabilang si Mikael sa pitong cast ng pinakabagong reality game show ng GMA, ang 'Running Man Philippines,' kung saan kasama niya sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Angel Guardian, at Lexi Gonzales.
Bukod sa pagiging isang artista, narito ang ilan pang fun facts tungkol kay Mikael Daez.





















