TRIVIA: Mga kuwento tungkol sa unang suweldo o talent fee ng paborito n'yong celebrities!

Being in show business is a lot of hard work.
Ito ang pinatunayan ng maraming kuwento ng pinakamalalaking bituin sa local entertainment scene, bago nila tinamasa ang magandang buhay.
Tulad na lang ng most sought-after endorser at actress na si Anne Curtis na nasa PHP 1,200 ang talent fee niya noong nag-uumpisa pa lamang siya sa show business.
Samantala, ginastos naman ng SexBomb Dancer at 'Lolong' actress na si Rochelle Pangilinan ang una niyang talent fee sa showbiz para ipaayos ang flooring ng bahay ng kaniyang ama sa Malabon.
Tara at ating balikan ang ilan sa mga kuwento ng mga kilalang personalidad tungkol sa kanilang unang suweldo o talent fee sa gallery na ito!















