Nakipagsapalaran sila sa mga talent search competition pero mas pinili na nila ngayon ang tahimik na buhay sa labas ng showbiz.
Si Iwa Moto ang hinirang na StarStruck Season 3 First Princess. Mas pinili na niya ang tahimik na buhay kasama ang kanyang partner na si Pampi Lacson, anak na si Hiromi at stepson na si Thirdy.
Dentista na si StarStruck season 2 First Prince CJ Muere. May sarili na rin siyang clinic kung saan kasosyo niya ang kanyang asawa at kapwa dentista na si Pat Vargas.
May sariling fitness facility naman sa Quezon City si StarStruck Season 1 First Prince Rainier Castillo.
Isa sa mga StarStruck Season 1 Avenger si Alvin Aragon. May dalawang anak na sila ng asawang si Sexbomb Izzy Tarona. Active silang mag-asawa sa kanilang church at buy-and-sell business.
Avenger din sa StarStruck Season 2 si Kirby de Jesus. Nagtatrabaho siya ngayon sa Dubai bilang isang customer service associate. Nagtitinda din siya ng lechon at bagnet para sa mga kapwa niya OFW.
Si Steven Silva ang hinirang na Ultimate Male Survivor StarStruck Season 5. Nagtatrabaho siya ngayon bilang isang radio DJ at miyembro ng Superbad Football Club. Mayroon din siyang online grocery store.
Grand Champion sa 'Are You the Next Big Star?' si Frencheska Farr. Naka-base na siya ngayon sa US kasama ang kanyang asawang si Gino Jose.
Avenger din sa StarStruck Season 4 si Stef Prescott. Ngayon, may ilan na siyang fitness-related businesses kasama ang kanyang asawang si JP Yap. May dalawang anak na rin ang mag-asawa.
Si Kurt Perez ang naging Ultimate Male Survivor ng StarStruck Kids. Nag-migrate siya sa Australia kasama ang kanyang pamilya at nag-aral ng mechanical engineering sa Queensland University of Technology.
Si Ella Guevarra ang naging First Princess ng StarStruck Kids. Isa rin siyang active na Red Cross volunteer.
Si Sam Bumatay naman ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Kids. Kumukuha siya ngayon ng isang IT-related course sa University of Santo Tomas.
Isa rin sa mga StarStruck Kids hopeful si Shamel Leask. Naka-base na siya ngayon sa US at nag-aaral sa Washington State University.
Kabilang sa mga StarStruck Season 2 hopefuls si Benj Pacio. Isa na siyang computer engineer at may-ari ng ilang food businesses ngayon.
Si Migo Adecer ang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6 noon 2015. Taong 2021 nang lisanin ni Migo ang Pilipinas para bumalik sa Australia.
Runner-up si Kisses Delavin sa Pinoy Big Brother taong 2017. Sumali si Kisses sa Miss Universe Philippines 2021 bilang pambato ng Masbate kung saan naging parte siya ng top 10 finalist. Ayon sa reports, kasalukuyang nasa Amerika si Kisses para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.