Ilang ulit nang nagkaroon ng mga bali-balita tungkol sa umano'y pagpanaw ng mga celebrity, pero kinalaunan napatunayan na fake news lamang ang mga ito.
Kaya naman laging paalala sa lahat na maging mapanuri sa mga nababasang post sa social media para maiwasan ang pagiging biktima ng “fake news.”
Naalala n'yo ba ang mga celebrity na biktima ng death hoax o fake news na sila ay pumanaw na? Balikan ang mga death hoax na kumalat at kung paano ito hinarap ng mga iniidolo ninyo.
Idinaan na lamang sa tawa ng former matinee idol na si Ian Veneracion ang balita diumano ng kaniyang pagkamatay. Biktima ng fake news ang former Encantadia star kaya naman nagbiro sa Instagram ang mestizo actor sa kuwento na siya ay pumanaw na. Sabi ni Ian, “Kaya pala di ako pinapansin ng asawa ko 🤣”
Sa panayam ng PEP.ph kay Maestro Ryan Cayabyab noong 2016, hindi na lang daw niya pinansin ang fake news na namatay siya, na kumalat noon sa Facebook. Pahayag niya, “Siguro nagulat lang kami, pati yung misis ko nagtatawanan kami. It didn't bother me at all kasi buhay ako, e.”
Isa din sa nabiktima ng fake news ang anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Ayon sa imbentong balita, namatay daw si Josh sa malubhang sakit. Kumalat ang balita nitong July 2018, dahil na rin sa video na inupload ng TNP Media. Walang katotohanan ang naturang balita na namatay sa cancer si Josh at ito ay na-diagnose lamang ng sakit na erosive esophagitis.
Ipinagkibit-balikat lamang ng celebrity TV host/ social media influencer na si Kris Aquino ang tsismis na namatay siya. Sa kaniyang social media post noong October 2018 sinabi niya na “No biggie because when there's fake news about someone's death may kasabihan na pinapahaba ang life nung pinagchismisan.”
Ikinagulat ng comedian/TV host na si IC Mendoza na pumanaw siya diumano matapos ma-comatose. Pumutok ang fake news ng kaniyang pagkamatay noong January 2017. Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ni IC sa mga tao na huwag basta-basta maniniwala sa mga bogus account na nagkakalat ng balita na siya ay patay na. Aniya, “few friends told me they were being messaged by a bogus account using my name, claiming that i died. this is my only account guys! pero gandang promo bilang showing parin ang #diebeautiful 🏼 to my friends: thanks for the heads up! lets continue to make social media fun and productive.”
Agad na tinapos ng multi-awarded comedienne Aiai Delas Alas ang mga balita at maling impormasyon patungkol sa pagkamatay ng kaniyang 'Tanging Ina' co-star na si Jiro Manio. Sa Instagram post noong July 2015, pinatunayan nito na walang masamang nangyari sa former child star. Saad ni Aiai, “Eto siya super healthy… Okay na okay siya, buhay na buhay. Sana ang mga taong nagkakalat na patay siya, tumigil na sila,”
Biktima din ng death hoax ang Dabarkad na si Jose Manalo apat na taon na ang nakararaan. Sa livetelecast ng 'Eat Bulaga' noong November 2014, idinaan na lang sa tawa ni Jose ang balita na namatay siya sa atake sa puso. Wika ni Jose, “Ang daming nagtatawagan na mga kamag-anak ko. Hindi po ako patay, buhay na buhay po ako!”
Kumalat naman sa Twitter noong August 2011 ang fake news na pumanaw na raw ang Kapamilya comedian na si Vice Ganda. Sa panayam sa 'Showbiz News Ngayon,' agad na nilinaw nito na maayos ang kaniyang lagay matapos magbakasyon noon kasama si Kris Aquino at Liz Uy sa Hong Kong. Aniya, “Safe na safe ako at magandang-maganda pa rin po ako. 'Unkabogable' po ako at hindi pa po ako mamamatay.”
Sa panayam ng isang showbiz website kay KC Concepcion noong October 2014, inihayag niya ang kanyang sama ng loob sa kumalat sa social media at text na pumanaw na diumano ang mommy niya na si Sharon Cuneta dahil sa atake sa puso. Saad ni KC, “Kaya hindi talaga siya maganda, kasi buhay na yun. Buhay na nang may buhay yun kaya 'di na nakakatawa.”
Marami din ang nabahala sa kumalat na balita sa text noong 2008 na namatay dahil sa heart ailment ang Eraserheads vocalist na si Ely Buendia. Agad napasinungalingan ng kampo ni Ely ang naturang tsismis. Matatandaan na nag-collapse si Ely sa one night reunion concert ng Eraserheads noong August 30, 2008 sa Bonifacio Global City Open Field sa Taguig.
Naging bali-balita noong October 2016 ang Facebook post ng isang Lulu Datuin na namatay sa cardiac arrest ang veteran actor na si Julio Diaz. Naitama naman agad ang fake news patungkol pagkamatay ni Julio matapos ito pasinungalingan ng film director na si Ces Evangelista at si Julio Diaz mismo.
Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas nang may nakita siyang post na diumano'y namatay na siya matapos pagbabarilin. Sabi ni Aiai sa Instagram, “Ito po ay fake news .. AKO AY BUHAY .. may kasabihan pag namamatay ka daw sa balita or pag nanaginip kang patay kana long life lalo ... buti nalang maganda ko sa picture kung hindi magagalit ako haha.” @
Walang katotohanan na namatay si Michael V. sa COVID-19! Ito ang gustong linawin ng comedy genius nang kumalat ang balita na pumanaw siya. Habang nagpapagaling sa naturang sakit, nagbigay ng panayam si Direk Bitoy sa Chika Minute upang pabulaanan ito.
Saad niya, “Maraming salamat dito sa interview na 'to,at least, makukumpirma na nila.
"Actually, ang nakakainis pa nu'n, mine-message ako directly, tinatanong ako. Hindi ko malaman kung sasagutin ko ng ghost emoji o ano, e,”
May halong pang-aasar ang Instagram post ng "Buwan" singer na si JK Labajo noong June 2020 nang mag-react siya sa death hoax tungkol sa kanya.
Sabi niya sa post, “With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll.
“Suck it, haters.”
Minarapat ng actor-singer na si Ogie Alcasid na linawin ang kumalat na fake news na diumano'y natagpuan siyang patay sa loob ng kanyang sasakyan. Sabi ni Ogie, “Pls do not believe this. It is #fakenews i did not want to show the name of the person who posted it but i just want to inform everyone that i am ok. Magmahalan naman po tayo.”
Actor-dancer Zeus Collins of the boy group Hashtag called out two Facebook posts circulating online which said that he died in a terrible motorcycle accident.
Nabigyan na ng pagkakataon na itama ng former sexy star na si Anna Marie Gutierrez ang 'fake news' noon na siya ay pumanaw. Base sa isang artikulo na lumabas sa Philippine Daily Inquirer noong June 2019, isinulat ni Jaime Licauco na pumanaw si Anna Marie diumano sa Los Angeles taong 2009. Sa exclusive interview ng PEP.Ph sa sexy actress, sinabi nito na nagulat siya nang malaman na may ganitong balita.
Sabi ni Anna Marie sa panayam, "I was shocked… I don't know where and how they got that from."
“Okay lang ako!” sigaw ni Efren “Bata” Reyes sa isang video kasunod ng bali-balitang siya ay patay na. Nabiktima ng death hoax ang professional pool player noong Enero 2021. Kaya naman idinaan na lamang niya ito sa tawa at nilinaw na siya ay malusog at ine-enjoy pagpapahinga sa kanyang tahanan sa Pampanga.
Noong 2017, naging bali-balita sa social media ang pagkamatay ng Filipino track star na si Lydia de Vega sa isang sakit. Pahayag ng retired athlete sa media reporters, “I don't even know why someone would write such a thing. This kind of joke is not funny. I hope this serves as a lesson that he won't do this kind of thing again.”
Ipinagluksa naman ng buong Filipino sporting community ang pagkamatay ni Lydia noong August 2022, matapos ang apat na taon na pakikipaglaban niya sa sakit na breast cancer. Pumanaw siya sa edad na 57.
Hindi rin nakaiwas si “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano sa fake news. Ayon sa imbentong balita na kumalat noong 2018, namatay raw ang singer-dancer sa diabetes. Nilinaw naman ng performer na siya ay nasa malusog na pangangatawaan kahit na na-diagnose siya ng kidney cancer ng parehong taon.
March 25, 2021 nang pumutok ang tsismis na pumanaw na ang celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano.
Ito ay matapos ibalita ni Megastar Sharon Cuneta na maselan ang kalagayan ni Fanny dahil sa stroke noong March 16.
Humingi naman nang paumanhin ang nag-post ng fake news sa Facebook.
Mali raw ang nakarating na impormasyon sa kanya at agad rin daw niyang inalis sa Facebook ang kanyang post.
Naging masakit ang pamamaalam ni Fanny noong May 10, 2022 para sa mga kaibigan nito sa show business. Namatay ang sikat na make up artist sa edad na 74.
Former President Joseph 'Erap' Estrada, who is COVID-19 positive, was rumored to be dead during the Holy Week weekend. Erap's son, ex-senator Jinggoy Estrada, denied the malicious rumor through Twitter.
“The news circulating about my dad is not true. He is still in the hospital recuperating,” wrote Jinggoy.
“Whoever is behind this fake news is so unchristian. You do not wish bad things to anyone, no matter if you don't like the person.”
Maagap ang pamilya ng batikang broadcaster at former vice president na si Noli “Kabayan” De Castro nang kumalat ang “fake news” na pumanaw na ito sa social media. Sa Facebook post ng anak ni Noli na si PTV general manager and COO Kat de Castro, nasa maayos na lagay ang kanyang ama at sa katunayan ay kasama niya raw ito mag-dinner.
Inilahad ni Candy Pangilinan na naging biktima rin siya ng death hoax. Ayon sa aktres, sigurado siyang kumalat ang maling balita na ito noong siya ay sumailalim sa liposuction.
Kuwento ng aktres sa podcast, "I am definitely sure dito nanggaling yung tsismis. Bago pumasok ng OR (operating room) nagtanong ako, 'May namatay na po sa lipo?' 'Yun ang tinanong ko bago ako sinedate...Paglabas ko ng ospital, a day after, sinusugod na ako nasa news na patay na ako."
Pinabulaanan noon ng King of Talk na si Boy Abunda nang maging laman siya ng ulat ng ilang blogs noong 2021 na namatay siya. Sa panayam sa kaniya ng PEP writer na si Gorgy Rula, nagbigay siya ng mensahe sa mga taong nagkalat ng nakababahalang maling impormasyon na gumulat sa kaniyang mga mahal sa buhay at kaibigan.
Hirit ng award-winning TV host, “Hindi ako nagmamadali. Pwede na siyang mauna kung gusto na niya.
“Okay lang ako. Hindi ako nagmamadali!”
Agad na naglabas ng statement noong July2021 ang 'The Clash' season one finalist na si Jong Madaliday nang umabot sa kaniya ang fake death news tungkol sa kanya na lumabas sa isang Facebook page.
Ani Jong, “Yo guys, I'm still alive. 'Di ko alam kung bakit pinatay niya ako agad. 'Di nga ko nagpaparamdam sa social media e. Minsan nga lang ako nag-a-upload e. Kahit picture, 'di nga ako nag-a-upload. Pagbukas ko ng social media, sinabi patay na raw ako. Ang lala."
Dapat maging maingat ang publiko sa paniniwala tungkol sa mga kumakalat na kuwento sa internet tungkol sa pagpanaw ng isang celebrity. Tulad ng fake news tungkol sa pagkamatay diumano ng Primetime goddess na si Carla Abellana.
Makikita sa Instagram Story ng Kapuso actress ang nakita niyang online post na idinaan na lang sa tawa ni Carla.
Agad na nagbabala sa kaniyang personal social media pages ang Kapuso host na si Kim Atienza, o mas kilala sa tawag na Kuya Kim, nang malaman niya na may kumakalat sa TikTok na balitang siya ay pumanaw.
Hirit ng 'Tiktoclock' host sa Instagram, “Nope, not today.”
Nabigla man, naging mahinahon ang tugon ng theater actor at comedian na si Pepe Herrera nang makita online ang maling impormasyon na kumakalat na siya ay pumanaw.
Sa isang Facebook post noong June 5, 2024, sinigurado ni Pepe sa kaniyang online followers na buhay pa siya.
Hirit niya, “Buhay na buhay po ako at tatanda hanggang 100 years old God willing.”
“Sa gumawa nito, God Bless You and may the Lords of Karma guide you.”
Napa-comment ang seasoned actor na si Michael de Mesa nang kumalat ang fake news sa Facebook na siya raw ay pumanaw na.
Post ng aktor sa IG Story, “I'm not the only one. Grabe na fake news ngayon. Help me report this post (false information). Thanks!”
"Dead again!!!" ang saad ni Derek Ramsay nang makita niya ang death hoax na kumakalat online. Si Derek ay isa lamang sa mga celebrities na ginawan ng misleading na balita sa social media.