Game na sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan ang Montero brothers na sina Troy at KC Montero.
Dito, ikinuwento ng dalawang magkapatid ang kanilang mga pinagdaanan nang manirahan na sila sa Pilipinas at maging ganap na celebrity dito.
Nagkabukuhan din sina Troy at KC sa kanilang mga kalokohan noong sila ay mga bata pa.
Balikan ang ilan sa highlights ng interview ni Boy Abunda sa Montero brothers sa gallery na ito:
Kilala ang Montero brothers na sina Troy Montero at KC Montero bilang Filipino-American celebrities. Si Troy ay nagsimulang maging model bago naging aktor. Habang si KC naman ay isang DJ at host.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magkasamang sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda sina Troy Montero at KC Montero noong Martes, August 13.
Pinay ang ina nina Troy Montero at KC Montero na si Cynthia Garabato Miller.
Sina Troy Montero at KC Montero ay mayroon pang nakababatang kapatid na si Coby Miller.
Sa panayam ni Boy Abunda sa dalawa, inamin ni KC Montero na mas guwapo sa kaniya ang kuya niyang si Troy Montero. “Dito sa Pilipinas, siya 'yung guwapo, ako 'yung pogi…pogi parang cute lang, guwapo is handsome,” ani KC.
Aminado sina Troy Montero at KC Montero na madalas din silang mag-away noong sila ay mga bata pa. Pero madalas daw na mam-bully si Troy. “[I'm] six years older, ako yung Kuya so you know…minsan he deserves it e,” depensa ni Troy.
Ayon kina Troy Montero at KC Montero, never silang nag-away pagdating sa babae pero inamin ni KC na madalas magka-crush kay Troy ang ilan sa mga naging girlfriend niya noon. “Kasi nga pogi lang [ako] e,” natatawang sinabi ni KC.
Guilty naman si Troy Montero na naging playboy siya noon habang good boy naman daw si KC Montero.
Si Troy Montero ay happily married na sa sexy actress na si Aubrey Miles. Mayroon silang dalawang anak na lalaki na sina Rocket at Hunter.
Kasal na rin si KC Montero kay Stephanie Dods. Sila ay may isang anak na si Wyatt.
Ayon sa magkapatid na sina Troy at KC Montero, napaglalabasan din nila ang isa't isa ng mga sama ng loob at problema. Pero biro ng dalawa tungkol sa learnings na nakuha nila sa isa't isa, “I cannot learn anything more,” sagot ni Troy. “I learned from my brother a lot. I learn from his mistakes,” reaksyon naman ni KC.