Tsismisan at kulitan moments ng mga marites na Royal servants sa 'Royal Blood'

Isa rin sa inaabangan at kinagigiliwan ng manonood sa hit murder mystery series na Royal Blood ay ang mga marites na Royal servants ng mga Royales.
Talaga namang updated sa tsismis sa loob man o labas ng mansyon ang Royal servants na sina Cleofe (Ces Quesada), Anne (Princess Aliyah), Jenny (Moi Morcampo), Loida (Patani Daño), Marta (Mel Kimura), at Loray (Melissa Avelino).
Pero marites man sila on-cam, malapit naman silang magkakaibigan off-cam. Silipin ang ilang kulitan at tsismisan moments ng mga marites sa mansyon ng mga Royales sa gallery na ito:



















