Regal Studio Presents
Tutor at student, magiging close sa 'Regal Studio Presents: One Day, Isang Araw'

Isang nakakakilig na learning experience ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Tutoring lessons lead to something else sa episode na pinamagatang "One Day, Isang Araw."
Bilang raket matapos mawalan ng trabaho, itu-tutor ni Bea (Shayne Sava) sa pagsasalita ng Tagalog ang actor na si Franco (Josh Ford).
Magiging close sina Bea at Franco pero may mga plano at pangarap sila sa labas ng isa't isa.
May room for romance ba sa pagitan nina Bea at Franco?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "One Day, Isang Araw," November 8, 1:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






