advertisement
TV

TV Director Fritz Ynfante, pumanaw na sa edad na 84

1 of 16

Wenn Deramas

Kilala ang direktor na si Wenn Deramas sa paggawa ng comedy films na laging humuhuli sa kiliti ng mga Pinoy. Kaya naman marami ang nagulat sa biglaang pagkamatay ni Direk Wenn noong February 29, 2016 dahil sa heart attack.

2 of 16

"Ang Tanging Ina" 

Isa sa pinaka-hindi malilimutang pelikula ni Direk Wenn ay ang comedy film na "Ang Tanging Ina," na pinagbidahan ng Kapuso actress-comedienne na si Aiai delas Alas kasama ang Kapuso multi-awarded actress na si Eugene Domingo. Ang pelikulang ito ay nagkaroon ng iba't ibang sequel na nagkaroon pa ng crossover sa pelikulang 'Enteng Kabisote' ni 'Eat Bulaga' host Vic Sotto.

3 of 16

Gil Portes

Si Gil Merluza Portes ang tinaguriang 'original indie film director' na may likha ng iba't ibang indie films sa bansa ay pumanaw noong May 24, 2017. Isa sa hindi malilimutang obra ni Direk Gil ay ang pelikulang "Markova: Comfort Gay" na pinagbidahan ng yumao na rin na si Comedy King Dolphy Quizon.

advertisement
4 of 16

"Moonlight Over Baler" 

Bago pumanaw si Direk Gil ay nagawa niya pa ang historical romantic film na "Moonlight Over Baler," kasama ang celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert, Ellen Adarna at Elizabeth Oropesa.

5 of 16

Bert De Leon

Nagdalamhati naman ang buong showbiz industry sa biglaang pagpanaw ng veteran director na si Bert De Leon. July 2021 ay isinugod sa ospital si Direk Bert matapos atakihin sa puso ngunit noong November 2021 at tuluyan na itong binawian ng buhay.

6 of 16

Pepito Manaloto

Bukod sa 'Eat Bulaga' at 'Bubble Gang,' isa rin ang weekly sitcom na 'Pepito Manaloto' na pinagbibidahan ng Kapuso comedian na si Michael V. sa mga programang naiwan ni Direk Bert.

advertisement
7 of 16

Eduardo Roy Jr. 

Marami rin ang nagulat sa maagang pagpanaw ng independent film director na si Eduardo "Edong" Roy Jr. nito lamang February 21, 2022.

8 of 16

"Fuccbois" 

Pagkatapos ng kanyang award-winning film na "Pamilya Ordinaryo," matagumpay din ang kanyang pelikulang "Fuccbois" na pinagbidahan ng 'Running Man Philippines' cast member na si Kokoy De Santos kasama ang aktor na si Elijah Canlas at batikang aktor na si Ricky Davao.

9 of 16

Philip Lazaro

Ikinalungkot din maraming celebrity ang pamamaalam ng comedian-director na si Philip Lazaro nito lamang July 11, 2022.

advertisement
10 of 16

Prima Donnas 2 

Si Direk Philip ang tumayong unit director ng ilan sa mga tumatak na programa ng GMA gaya ng 'Prima Donnas Season 2,' 'Widow's Web,' at 'Nagbabagang Luha.'

11 of 16

Shandii Bacolod  

Ikinalungkot din ng industriya ang biglaang pagpanaw ng direktor na si Shandii Bacolod noong June 2022. Kasalukuyan siyang nasa Bangkok, Thailand, noon para sa isang trabaho nang ma-cardiac arrest.

12 of 16

Boys Love

Ang huling proyektong nagawa ni Shandii Bacolod bago pumanaw ay ang online boys' love series na 'Love at the End of the World.' Siya rin direktor ng mga indie film na 'Ben & Sam' at 'Fidel.'

advertisement
13 of 16

Peque Gallaga

Noong 2020, pumanaw ang award-winning Filipino film director Peque Gallaga sa Bacolod City sa edad na 76. Ilan sa kanyang mga pelikula ay 'Shake, Rattle & Roll' at 'Magic Land.'

14 of 16

Joey Paras

Noong 2023, pumanaw ang aktor at comedian na si Joey Paras sa edad na 45. Siya ang nagdirek ng 'Last Supper No. 3,' 'Mulawin vs. Ravena,' at 'Igib.'

15 of 16

Ricky Rivero

Noong 2023, ang dating aktor at direktor na si Ricky Rivero ay pumanaw sa edad na 51.Nakilala siya bilang cast ng 'That's Entertainment' at director ng ilang pelikula at patalastas tulad ng 'Eva Fonda' at 'Aswang Slayerz.'

advertisement
16 of 16

Gil Soriano

Noong 2023, pumanaw ang original director ng 'Anna Liza' na si Gil Soriano sa edad na 81.

Around GMA