Valeen Montenegro, hinangaan nang gawing flower girls sa kasal ang dalawa niyang yaya

Hindi man kadugo, tunay na pamilya na ang turing ni Valeen Montenegro sa kanyang dalawang loyal yaya na matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya.
Espesyal ang relasyon ng Love. Die. Repeat. actress sa kanyang nannies na nag-alaga sa kanya. Sa katunayan, viral ngayon sa social media ang larawan nila na kuha mula sa kanyang kasal kung saan flower girls ang mga ito. Ikinasal si Valeen sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati noong January 12.
Umani ng respeto si Valeen mula sa netizens dahil sa heartwarming moment na ito.
Ayon sa Kapuso star, maswerte siya na magkaroon ng mga yaya tulad nila.
Samantala, noong 2019, isinama ni Valeen ang isa niyang yaya sa kanilang family trip sa Spain.
Sa isang tweet noong April 22, 2016, ibinahagi ng aktres ang cute conversation nila ng kanyang yaya na aniya'y huling nagte-text sa kanya bago matapos ang araw.
I have the sweetest Yaya! Hahaha kailangan sya yung last na mag ttext sayo 😂 (nakalimutan nya yung word na ingat) pic.twitter.com/We0nU6WVKG
-- Valeen Montenegro (@Valeentawak) April 21, 2016
KILALANIN ANG IBA PANG LOVING YAYAS NG CELEBRITIES.































