Valeen Montenegro, huli ang inis ng 'Love. Die. Repeat.' viewers

GMA Logo Valeen Montenegro

Photo Inside Page


Photos

Valeen Montenegro



May bagong kinaiinisan ngayon sa primetime at ito ay walang iba kundi ang Love. Die. Repeat. actress na si Valeen Montenegro.


Huli ni Valeen ang galit ng viewers ng GMA Prime series kung saan gumaganap siya bilang Chloe, isa sa best friends ng bidang character na si Angela, na ginagampanan ni Jennylyn.

Para sa viewers ng Love. Die. Repeat., isang traydor si Chloe dahil may gusto ito sa asawa ni Angela na si Bernard, na ginagampanan ni Xian Lim.

Noong hindi pa magkakilala sina Angela at Bernard, naka-one night stand ng lalaki si Chloe sa Boracay. Tinamaan si Chloe kay Bernard na binansagan niyang "Boracay Boylet."

Nang magkahiwalay si Chloe at ang boyfriend niyang si Jerome (Ervic Vijandre), si Bernard ang nag-comfort sa kanya kahit pa third party ang una.

Ikinagalit nina Angela at Jessie (Ina Feleo) ang pagiging kabit ni Chloe kaya tinapos ng huli ang kanilang pagkakaibigan.

Higit na nabaling ang galit ni Chloe sa asawa ni Bernard dahil matagal na siyang may pagtingin sa lalaki. Sinisi pa ni Chloe si Angela kaya siya naging kabit.

Nang maging single ulit, inakit ni Chloe si Bernard kahit asawa pa ito ng kanyang best friend. Ang matindi pa, may nangyari muli sa kanila matapos ang kanilang one-night sa Boracay.

Tingnan ang iba pang kontrabida moments ni Valeen bilang Chloe sa Love. Die. Repeat. sa gallery na ito.


One-night stand
Third party
Friendship over
Betrayal
Missing watch
Seduction
Letter

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City