Valentine's Day nina Rocco Nacino, Paul Salas, puro pahinga

Tahimik ang naging Valentine's Day ng Stars on the Floor stars na sina Rocco Nacino at Paul Salas. Ngunit hindi dahil wala silang ka-date noong araw na iyon, kundi dahil mas gusto nila umanong magpahinga matapos ang nakakapagod na taping para sa season 2 ng celebrity dance competition.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 16, inamin ni Rocco na masaya naman ang puso niya at excited na siya sa paparating na second baby nila ni Melissa.
“Masya, masaya ang puso ko ngayon dahil pararting na ang pangalawang anak ko, March 3. Scheduled kami kaya looking forward,” sabi ni Rocco.
Samantala, “nilalamig” at “medyo bumpy” man ang puso ni Paul, nilinaw naman niyang hindi siya actively naghahanap o naghihintay ng mamahalin.
Alamin kung kamusta ang araw ng mga puso para kina Rocco at Paul sa gallery na ito:









