Vhong Navarro naging emosyonal sa 'It's Showtime' matapos manalo sa kaso laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at iba pa

GMA Logo Vhong Navarro and Tanya Bautista
PHOTO COURTESY: It’s Showtime

Photo Inside Page


Photos

Vhong Navarro and Tanya Bautista



Naging emosyonal ang TV host na si Vhong Navarro sa episode ng It's Showtime ngayong Huwebes (May 2) habang nagbibigay ng kaniyang speech.

Ito ay matapos manalo ang It's Showtime host sa kaso laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz.

Sa report ng GMA Integrated News, hinatulan ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 sina Lee, Cornejo, Guerrero, at Raz ng guilty beyond reasonable doubt at sinentensiyahan sila ng reclusion perpetua.

Sa unang bahagi ng programa, labis ang pasasalamat ni Vhong sa Panginoon sa paggabay nito sa lahat ng kaniyang mga pinagdaanan sa buhay, pati na rin sa bumubuo ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 para sa ibinigay na hustisya sa kaniya.

Nagpasalamat din ang actor-host sa kaniyang legal team dahil sa kanilang hindi pagbitaw at pagsama sa kaniya hanggang sa huli. Thankful din si Vhong sa Kapamilya network dahil sa kanilang suporta sa kanya.

“Maraming salamat po sa ABS-CBN. Sir Carlo, Tita Cory, Sir Mark, Sir Gabby, Ma'am Charo, FMG, Direk Lauren dahil since day one nandiyan po kayo. Lagi po kayong nakasuporta sa akin at naniniwala kayo sa akin,” aniya.

Patuloy pa niya, “Maraming, maraming salamat po kay Direk Chito, Streetboys, sa mga kaibigan ko, sa mga Kuys Wednesday club dahil parati kayong nasa tabi ko. Hindi n'yo ako iniiwan at pinapabayaan.

“And of course, sa mga naniniwala sa akin, sa aking mga fans na kung ano 'yung mga naririnig n'yong hindi maganda sa akin, patuloy kayong nandiyan sumusuporta at naniniwala.”

Lubos ang pasasalamat din ni Vhong sa kanyang It's Showtime family dahil sa kanilang pasensya, pagmamahal, at walang-sawang pagsuporta sa kaniya.

Nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat ang host sa kaniyang pamilya. Aniya, “Salamat dahil naging matatag kayo kasama ko. Salamat sa pagmamahal ninyo.”

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Vhong nang magbigay ng mensahe para sa kaniyang asawa na si Tanya Bautista-Navarro.

“Marami akong pagkukulang sa'yo pero hindi mo ako iniwan. Marami akong kasalanan pero nandiyan ka pa rin. Hayaan mong bumawi ako sa'yo sa abot ng aking makakaya hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Salamat,” saad niya.

Matapos ito, binigyan siya ng group hug ng kanyang co-hosts.

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, TINGNAN SA GALLERY SA IBABA ANG SWEETEST PHOTOS NINA VHONG NAVARRO AT TANYA BAUTISTA


Love
Forever
The beginning
Quality time
Adventure
Fun
Together
For life
Fur parents
Moments
What matters the most
Relationship
Precious
15th anniversary

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection