Vice Ganda discovers Shuvee Etrata and Ashley Ortega's beautiful friendship in latest vlog

Bumisita ang Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda sa condo na tinitirhan ngayon ng dating PBB housemates at best friends na sina Shuvee Etrata at Ashley Ortega.
Sa kanyang latest vlog, nadiskubre ni Vice ang magandang pagkakaibigan nina Shuvee at Ashley, maging ang mataas na respeto ni Shuvee para kay Ashley.
Kuwento nina Shuvee at Ashley, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang magkasama sila sa 2023 GMA series na Hearts on Ice, na pinagbidahan noon ni Ashley.
Isang buwan pa lamang noon si Shuvee sa Maynila, mula sa Bantayan Island, at ang nasabing show ang kanyang unang project sa GMA kung saan gumanap siyang Kring Kring, isa sa mga kaibigan ni Ashley.
"Apat po kami sa show na naging close, si Roxie (Smith), si Shuvee, at saka ako, at si Skye (Chua). Naging close ako sa kanila ni Roxie (Smith) kasi lahat kami, we all live alone independently. Mas naging close din kami after the show," kuwento ni Ashley kay Vice.
Sa dalawang taong pagkakaibigan at dahil pareho silang nahirapan na mag-isa lang sa kani-kanilang tirahan noon, napagdesisyunan nina Shuvee at Ashley magsama sa iisang condo.
"Nahanap ko agad 'yung core ko which is them," sabi ni Shuvee.
Ikinuwento rin ni Shuvee kung paanong nahihiya siya noon na papuntahin ang mga kaibigan sa kanyang tinitirhang studio dahil maliit lamang ito.
Dito, naka-relate si Vice at ikinuwento na noong nagsisimula pa lamang din siya ay mayroon siyang magkakatabing tatlong unit na malilit. Kuwento niya, "'Yung isang unit kwarto ko, 'yung isang unit kitchen, 'yung isa katapat, 'yung isa katabi. pero ang liliit lang."
Nang tanungin kung ano ang nakita niya kay Ashley na pinagkatiwalaan niya agad, sagot ni Shuvee, "Bago ko po kasi siya maging kaibigan nandoon 'yung respeto ko sa kanya bilang artista. Kasi iba talaga, nahirapan talaga akong maging artista Meme. So, para niya akong na-inspire maging better actor.
"Being in the industry as a beginner, maganda na naging friend ko siya. I mean, before ko siyang naging friend, ni-look up ko siya ba. 'Yung respeto ko sa kanya, mataas 'yung tingin ko sa kanya. So, the respect is there. Noong naging friends kami is tinreasure ko siya," kuwento ni Shuvee.
Tawa. Iyak. Tawa.
-- jose marie viceral (@vicegandako) July 26, 2025
Watch nyo na daliiiiii! unGRRRRRL Bonding with Housemates Shuvee & Ashley | VICE GANDA https://t.co/NUfW5JOoID via @YouTube
Sa X, ipinarating ni Vice na pareho niyang minahal sina Shuvee at Ashley matapos ang vlog.
"Even before we shot the vlog gusto ko na si Shuvee. Kaya nga ako mismo ang kumausap kay Miss Annette para kunin siya sa Showtime. Si Ashley 'di ko pa masyadong kilala at wala akong dama sa kanya. Pero after the vlog mahal ko na sila pareho. Pareho silang magandang nilalang," sulat ni Vice.
Even before we shot the vlog gusto ko na si Shuvee. Kaya nga ako mismo ang kumausap kay Miss Annette para kunin sya sa Showtime. Si Ashley di ko pa masyadong kilala at wala akong dama sa kanya. Pero after the vlog mahal ko na sila pareho. Pareho silang magandang nilalang.
-- jose marie viceral (@vicegandako) July 26, 2025
SAMANTALA TINGNAN ANG MAGANDANG FRIENDSHIP NINA ASHLEY ORTEGA, SHUVEE ETRATA, SKYE CHUA, AT ROXIE SMITH DITO:











