Vice Ganda, naka-bonding sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Ken Chan, at iba pang Kapuso stars

Nagsama-sama ang Kapuso stars at iba pang showbiz personalities sa birthday celebration ng fashion and celebrity stylist na si Ivor Jullian kamakailan sa Yes Please at The Palace bar sa BGC.
Dumalo rito ang GMA artists na nina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Ken Chan, Rayver at Rodjun Cruz, Thea Astley, Jessica Villarubin, at iba pa.
Naka-bonding pa nila ang ilang artista gaya ng It's Showtime host na si Vice Ganda na present din sa nasabing pagtitipon.
Tingnan ang kanilang mga larawan sa ibaba.







