Cruz vs. Cruz

Vina Morales, gagawa ng bagong serye sa GMA

Source: vina_morales/IG

Photo Inside Page


Photos

Vina Morales and Gladys Reyes



Sa pagpasok ng bagong taon, muli ring pumasok ang isa sa mga OG o orihinal na Kapuso star na si Vina Morales matapos ang halos dalawang dekada sa pamamagitan ng isang upcoming series na Cruz vs Cruz.

Sa panayam ni Lhar Santiago sa kanila ng co-star niyang si Gladys Reyes para sa sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, January 18, sinabi ni Vina na happy at excited siya sa pagbabalik niya sa GMA at sa paggawa ng serye.

“Actually, hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali, alam mo 'yung sobrang mixed emotions? I had butterflies in my stomach going down the car. Nu'ng nasa basement na, sabi ko, 'Ninenerbyos ako. Ano ba 'yung feeling na ganito?'” sabi ni Vina.

Paglilinaw ng actress-singer, “Ninenerbyos ako, in a way, dahil excited ako.”

Huling napanood si Vina sa GMA sa Sunday noontime show na SOP at ngayon ay mapapanood naman siya sa upcoming GMA series na Cruz vs Cruz kung saan makakasama niya si Gladys Reyes.

Matagal nang magkaibigan sina Vina at Gladys dahil pareho silang parte ng Thursday group ng variety show noon ni Master Showman German Moreno na That's Entertainment ngunit ito umano ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa isang serye.

“Sobra akong na-excite at the same time, naisip ko, 'Teka lang, nagserye na ba siya ever sa GMA?' Parang hindi pa, no? So very first teleserye niya 'to sa GMA. I'm so happy na magkasama kami,” sabi ni Gladys.

Bukod kina Vina at Gladys, makakasama rin nila sa serye sina Neil Ryan Cece, Pancho Magno, Lexi Gonzalez, Kristoffer Martin, Elijah Alejo, at Capris Cayetano.

Ani Vina, lahat ng makakanood ay makaka-relate sa kanilang serye. Pahapyaw niya sa kuwento ng serye, “It's Cruz vs Cruz, so dalawang pamilya na [Gladys: Du'n pa lang magkakaroon na ng conflict.] And it's based on a true-to-life story, and I am, as Felma Ruiz Cruz, ako 'yung common law wife.

Dagdag ni Gladys, “Ako 'yung OFW nurse na kumbaga isang lalaki ang aming minahal. Pero ayaw natin i-preempt, siyempre, ate, oo. Ang hirap, no?”

Nang tanungin naman siya kung handa na siyang sumabak sa musical shows ng GMA, ang sagot ni Vina, “Any time, basta ako, reading-ready.”

BALIKAN ANG NAGING PASABOG NI VINA TUNGKOL SA KANIYANG CAREER SA GALLERY NA ITO


Vina Morales
Big announcement
Kapuso
Marriage
Daughter
Career
Love advice
Sample

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit