Hating Kapatid
Vince Maristela show fun behind-the-scenes moments from 'Hating Kapatid' set

Ipinasilip ng Kapuso hunk na si Vince Maristela ang ilang behind-the-scenes moments ng kinabibilangan niyang afternoon drama series na Hating Kapatid.
Sa naturang serye ay ginagampanan ng aktor ang role bilang Wesley.
Sa Instagram, ibinahagi ni Vince ang fun moments niya sa set kasama ang kaniyang co-stars na sina Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Cheska Fausto, Jeff Moses, Vanessa Pena, at Haley Dizon.
“Caught between takes,” sulat niya sa caption.
Samantala, subaybayan ang Hating Kapatid Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.




