Vinz Jimenez, nagsisi bang ipinahiya ang cheating ex?

Sumalang sa exclusive interview si Vinz Jimenez kay Ogie Diaz, ang content creator na pinagpiyestahan nang husto online dahil sa pag-expose nito sa kaniyag ex-girlfriend. Ipinakita sa naturang video ang pagbigay ng "regalo" ni Vinz sa ex-girlfriend niya na naglalaman ng printout ng mga screenshot ng conversation nito sa ibang lalaki.
Halo-halo ang reaksyon sa ginawang content na ito ni Vinz na pakiramdam nang iba ay napahiya ang kaniyang dating karelasyon at mas mabuti na pinagusapan na lang nila ito ng pribado.
May mga iba rin ang sumuporta sa kaniya at tama na hindi daw nino-normalize ang cheating.
Sa panayam ni Vinz kay Ogie, ipinaliwanag niya ang rason kung bakit nagawa niya ang ganung video.
Aniya, “Ang gusto ko, huwag nilang gawin. Gusto nila mag-cheat sa relasyon nila, huwag na. Kung 'di mo na mahal 'yung isang tao mas mabuting tapusin mo na, huwag ka na mag-cheat. Hayaan mo na maghiwalay kayo nang maayos.”
“Para saan pa? Maglolokohan kayo? Maglolokohan si lalaki, maglolokohan si babae. Magbabatuhan lang kayo hanggang sa maging toxic kayo 'di ba. Mas okay na 'yung maghiwalay kayo nang maayos o kaya pag-usapan n'yo mag-refresh kayo ng relasyon n'yo hanggang sa mag-restart. Kung kaya pang ayusin, ayusin.”
Gusto raw ni Vinz na tumatak sa isipan ng publiko na mali ang pagkakaroon ng third party.
“Pero kung sa third party, kasi hindi na talaga okay 'yun Mama Ogs.”
“Actually, cheating nowadays has become normalized na rin talaga, 'di ba? Parang pag-cheating ok lang, issue. Pero kung manggamit ng tao, ayun na 'yung mga 'di talaga ano, e, hindi normal. So, dapat hindi natin nino-normalize 'yan cheating. Kaya mas lalong dumadami pa ang mga ano ngayon mga cheating, kasi nagsi-circulate 'yung hate at saka selfishness sa mga tao.”
Sa isang bahagi ng panayam niya kay Mama Ogs, naikuwento rin ni Vinz na may mga lalaki raw na nagme-message sa kaniya na niloloko rin at humihingi ng advice.
Kuwento niya sa vlog ni Ogie, “Yung mga iba niloloko rin sa akin nagsusumbomg, Mama Ogs, nagugulat ako. Humihingi ng advice, ano puwede ko gawin sa ganito? Sabi ko sa kanila, hayaan mo na 'yan mag-focus ka lang sa sarili mo ang babae nandiyan lang yan. Pero 'yung mentality natin or 'yung peace of mind natin na lang ayun 'yung pinakaalagaan. Ayun talaga 'yung pinakaimportante.
“Mag-improve ka hanggang sa tamang babae 'yung lumapit na sa'yo.”
RELATED CONTENT: Celebrity couples who split in 2025























