Fast Talk with Boy Abunda
Viva Hot Babes, natuloy na rin ang reunion concert!

Sa kabila ng ilang ulit na pagtanggi na magkakaroon ng reunion ang Pinay girl group na Viva Hot Babes, sa wakas ay “oo” na ang sagot ng mga miyembro nito!
Matapos ang reunion concert ng SexBomb Girls, maraming fans ang humingi at nag-abang ng reunion concert ng Viva Hot Babes. Ngunit ilang ulit ding mariing itinanggi ng mga miyembro nito na mangyayari ito.
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Huwebes, September 10, ibinahagi nina Maui Taylor, Katya Santos, at Andrea del Rosario kung papaano nga ba nabuo ang kanilang upcoming reunion concert na “Bulaklak: Viva Hot Babes Reunion Concert.”
Alamin ang kuwento sa gallery na ito:









