Volleyball player, maki-kidnap ng duwende sa 'Magpakailanman'

Naniniwala ka ba sa duwende?
'Yan ang kuwentong tampok sa brand-new episode ng Magpakailanman.
Magkakaroon ng kaibigang duwende ang volleyball player na si Daisy habang nasa training camp sa isang liblib na lugar.
Poprotektahan siya ng kanyang kaibigang duwende mula sa mga kasamahan niya sa volleyball team na nambu-bully sa kanya.
Hindi rin hahayaan ng duwende na makalapit kay Daisy si Wilson, ang kaklase na may gusto sa dalagita.
Nais kasi ng duwende na maging asawa si Daisy kaya kalaunan, dadalhin niya ito sa kanyang mundo.
Paano makakabalik si Daisy sa kanyang pamilya?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Banta ng Duwende," May 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






