Volleyball stars Fifi Sharma at Jia de Guzman on 'Fast Talk with Boy Abunda'

Nitong nakaraang Lunes, nakasama ng “King of Talk” na si Boy Abunda ang dalawa sa volleyball players ng Alas Pilipinas Philippine Women's Volleyball Team, ang national team ng women's volleyball sa bansa. Nakapanayam ni Boy Abunda sina Jia De Guzman at Fifi Sharma at ibinahagi nila ang kanilang kuwento sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ipinakita nina Fifi at Jia ang kanilang basic volleyball moves at ang kanilang mga pangarap para sa kinabukasan ng volleyball sa Pilipinas.
Ayon kay Jia, "Kung gusto niyo pang mas gumaling sa inyong sport or profession, gusto niyo pong ilagay 'yung sarili niyo outside of your comfort zone, in places na hindi po kayo sanay kasi for us athletes, that's where we grow the most. 'Yung level po ng volleyball sa Japan, noong two years na naglaro po ako doon, as in feeling ko hindi ako magaling mag-volleyball kasi ganoon na sila ka-advanced sa level nila. Tapos pagbalik ko [sa Pilipinas] lahat ng natutunan ko, kaya kong ipasa sa next generation pati na rin po sa national team para umangat din po 'yung level of volleyball sa Pilipinas."
Para kay Fifi, malaking karangalan ang pagiging parte ng Alas Pilipinas. "[It's] very challenging, but at the same time po sobrang exciting kasi you come to practice everyday knowing na you're going to train with the best of the best in the country."
Noong 2025, naging matagumpay ang Alas Pilipinas Philippine Women's Volleyball Team matapos ang 60 na taon, muling nag-uwi ng medalya ang koponan.
Nagkamit ng silver medal sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women's Volleyball Nations Cup at dalawang bronze medals sa 5th Southeast Asia (SEA) Volleyball League. Ang isa sa mga players na si Angel Canino ay wagi rin bilang Best Outside Spiker sa AVC Nations Cup at SEA V. League (Leg 1), si Jia De Guzman naman ay nanalo bilang Best Setter honors sa AVC Nations Cup, at si Dell Palomata ay pinarangalang Best Middle Blocker sa AVC Nations Cup.
Alamin ang iba pang mga highlights ng kanilang panayam at abangan din ang pinakabagong updates sa mga paborito mong showbiz personalities kasama si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, weekdays sa 4:45 p.m. sa GMA Afternoon Prime.







