'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience' trailer, inabangan ng netizens

Excited na ang netizens sa nalalapit na pagsisimula ng 'Voltes V: Legacy,' pero mas nadagdagan pa ang kanilang excitement nang ipalabas ng GMA Network ang 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience' trailer.
Ang trailer ng 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience' ay para ipakita ang mga eksenang mapapanood sa sinehan bago pa man ito mapanood sa telebisyon. Mapapanood ang Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience' sa SM Cinemas simula April 19 hanggang April 25. Samantala, sinimulan na ring ticket selling para rito ngayong Sabado, March 25.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens na excited na mapanood sa sinehan ang 'Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.'









