Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tolome, nakilala na ang 'Big Boss' ng Brainwash Inc

Iba't ibang pasabog na mga rebelasyon at maaksyon na tagpo ang nasaksihan sa finale ng high-rating action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Sa huling episode ng naturang serye, nalaman ni Major Bartolome Reynaldo (Bong Revilla Jr.) na parte ng Brainwash Inc. si Elize (Max Collins) matapos siyang papuntahin nito sa isang warehouse, kung nasaan ang iba pang miyembro ng sindikato.
Nakilala na rin ni Tolome si Ulo (Bembol Roco) at ang "Big Boss" ng Brainwash Inc. na si Hugo Salazar (Michael V.) o “Utak.” Labis ang gulat ni Tolome nang malaman na ang tumatakbong mayor ay ang lider ng sindikatong Brainwash.
Balikan ang ilang highlights ng huling episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa gallery na ito.







