Where is Aleck Bovick now?

GMA Logo Aleck Bovick

Photo Inside Page


Photos

Aleck Bovick



Naaalala n'yo pa ba si Aleck Bovick?

Siya ang dating sexy star na sumikat sa kanyang mga erotic movie noong early 2000s gaya ng 'Tampisaw' (2002), kung saan pinarangalan siyang Best Actress ng FAMAS noong 2003 para sa kanyang paaganap bilang Marites.

Napanood din si A-leck sa mga pelikulang 'Kaulayaw' (2002), 'Masarap Na Pugad' (2002), Hiram' (2003), at 'Naglalayag' (2004) kung saan niya nakasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Bago sumabak sa pinilakang tabing, lumabas muna si Aleck sa GMA sitcom na 'Beh Bote Nga' noong 1999. Naging parte din siya supporting cast ng GMA primetime series na 'Sana Ay Ikaw Na Nga' (2001-2003) at 'Habang Kapiling Ka' (2002-2003). Nagkaroon din siya ng guest appearance sa sketch comedy show na 'Nuts Entertainment' noong 2004.

Noong 2007, pansamantalang nilisan ni Aleck ang showbiz nang isilang niya ang kanilang anak ng dating nobyo, ang kapwa niya sexy star na si Carlo Maceda.

Nakabalik din naman si Aleck sa pag-arte matapos ang ilang taon at gumawa ng mga proyekto sa GMA at sa iba pang istasyon.

Tingnan ang buhay ngayon ni Aleck sa gallery na ito:


Japan
Showbiz
Launching movie
Best Actress
More movies
GMA shows
Reality show
Mother
Weight gain
What We Could Be
38th birthday
Ester
Rosevida

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays