Where is former matinee idol JC Bonnin now?

Isa sa mga hinahangaang matinee idol noong dekada 1980s ay ang former actor na si JC Bonnin.
Bumida si JC sa hit films na Bagets at Bagets 2, kung saan nakasama niya sina William Martinez, Raymond Lauchengco, Aga Muhlach, at Herbert Bautista. Naging bahagi rin si JC ng ilang TV series gaya ng Flordeluna, kung saan nakatrabaho niya ang batikang aktres na si Janice de Belen.
Sa isang YouTube vlog ng former actress na si Bunny Paras, ibinahagi ni JC na nagtagal lamang ang kanyang showbiz career ng anim hanggang pitong taon. Iniwan niya ang mundo ng showbiz sa edad na 19.
Kasalukuyang naninirahan si JC sa United States kasama ang kanyang pamilya. Ibinahagi rin ng former matinee idol sa vlog ni Bunny na siya'y nagtatrabaho bilang isang hospice chaplain.
Alamin ang buhay ngayon ng former matinee idol na si JC Bonnin sa gallery na ito.









